Cabinet

My dear fragile cabinet,

Kahit gaano ka karupok,  kinupkop kita dahil alam kong maaalagaan kita ng maayos. Ngunit ngayon na may sira ka,  gagawin ko ang lahat at hindi kita susukuan na maayos pa dahil karga mo ang mahahalagang bagay sa buhay ko.

My fragile cabinet,  ikaw ay parang pagkakaibigan na hindi sinusukuan.  Magkaron man ng lamat ito,  alam kong maaayos din sa tamang usapan. Kaya naman sa darating na Sabado,  ikaw ay aayusin ko ng tuluyan, ngunit sa ngayon ay temporary lang dahil yan lang ang aking nakayanan.

My dear fragile cabinet,  wag ka sanang tuluyang bibigay dahil kailangan pa kita, at sanay marami pa tayong taon na pagsamahang dalawa...

#WorthFixing2015


Comments

Popular Posts